Friday, November 11, 2005

...just wondering...

I'm just wondering...how should I feel knowing that the girl I like(or love) is totally in-love with someone and the only reason that she isn't with that someone is because he is taken/married/in a relationship/a basta di na pwede??

Di ko alam kung magiging masaya ako kasi sa wakas me pag-asa na ako or magseselos ako kasi di ako ang minamahal nya ng lubusan or whatever...

Iniisip ko ng paulit-ulit ngayong mga araw kung itutuloy ko pa ba to. Hindi dahil mas matanda sya sakin, hindi dahil sa hindi pabor ang aking mga magulang sa mga nangyayari at hindi dahil pinagchichismisan na kami dito sa opis. Iniisip ko kung itutuloy ko pa to dahil hindi ako cgurado kung napipilitan ka lang sya sakin (kasi natural na mapwersa ako) or dahil sa me pagtingin ka nga sakin at sa loob ng puso mo alam mong pwede mo kong mahalin.

Ayoko ng maulit yung mga dating ligaw ko...sobrang paasa lang ginawa sakin. Malas ko pa naman. Todo ako magmahal sa simula pa lang. Di lang nila pansin pero ganun ako. Sa simulang manligaw na ko, mahal ko na sya. Kaya nalang parating parang sinabugan ang puso ko pag nabusted or napaasa lang ako. Minsan naiisip ko nalang na wag na humanap kasi sobrang tindi ang sakit na nararamdaman ko.

Ewan ko ba...ganito ako ginawa ng Dyos eh...minsan sinusumpa ko yung loko na yun kasi binigyan nya ako ng pusong mabilis main-love.

Mas gugustuhin ko pang katulad ng mga ibang lalake na ginagamit lang ang babae para sa panandaliang kasayahan lamang. At sa isang punto ng buhay ko, talagang pinilit ko ang sarili kong maging ganun. At success naman. Pero wala pa rin. Ganito pa rin ako. Mas gugustuhin ko ang lubos na pagmamahal sakin ng isang babae kesa sa katawan nya. So tama nga ang naisip ko, kahit na medyo weird. Minsan mas madaling ibigay ang puri kesa sa pagmamahal.

Pinipilit kong umiwas pero minsan talagang tatamaan ka. Kaya ngayon, nagdarasal ako na itong latest na iniirog ko ay ako lang ang mahal. Sana naman hindi na ako paasahin. Kung may pagkukulang man sa parte ko ay sana makita ko na agad. As usual, pinapasadyos ko na kasi pakiramdam ko ay ginagawa ko na ang lahat ng aking makakaya.

Ewan ko ba. Bahala na

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

badoodles

5:42 PM  
Anonymous Anonymous said...

this will be my thrid attempt in posting a comment in this topic (sana gumana ka na!!!)... first of all, this Jam i know is far different from the one who wrote this blog; ganun pala siya magmahal, i never think na matindi siya at parang "hahamakin ang lahat makamit ka lamang" attitude niya... nakikita ko sa post na kahit
nagmamahal ka, may doubt ka pa rin kung mamahalin ka in return ng mahal mo, which is good... remember, true love never expect in
return but also never fails... darating at darating din ang tamang taong mamahalin mo na mamahalin ka rin; huwag magmadali, pag-isipan
ang gagawing desisyon... there's a text message i received last time: when you fall in love, don't give everything without leaving something for yourself... someday, somehow, it would be too late for you to realize that you've given
all for the wrong person without saving something for the right one; do you think this is true?... huwag ka masyadong mabahala sa sitwasyon mo, hindi ka nag-iisa... pero mahirap di ba? what if libangin mo muna nag sarili mo, work, go out with your friends, study and learn
more stuff, etc. baka dumating nga ang true love sayo unexpectedly... mostly of all, kapag nagmahal ka, huwag lang puso mo ang gamitin,
try to consider ang mga sinasabi ng isip mo... kung pareho naman ang sinasabi ng mga ito, try to listen the views and opinions of people around you, baka may nakikita sila na hindi mo napapansin dahil nabulag ka na sa pag-ibig... ano ba yan, am i getting sentimental here?
hahaha!!!

12:50 AM  
Blogger siopaoasado said...

hmmm...make sense. will keep in mind.

4:09 AM  

Post a Comment

<< Home