Monday, February 06, 2006

Rules of Engagement

Mga bagay na natutunan ko regarding da taken life...


1. Pag galit na yung kabilang side, wag ka na humirit. Tumango sa lahat ng kahit ano pang sabihin nya at tanggapin nalang sa panandalian. Ayusin nalang sa susunod na araw.


2. Kung magagalit ka, humanda ka sa consequences.


3 Remember na me mga partners na kahit mukhang mature na ay hindi pala. Minsan ay mas mature ka pa kahit na mas bata ka pa. So konting timpi nalang kung nakasarado tenga nung kabilang side.


4. Give forgiveness freely. Kasi darating ang araw na ikaw naman manghihingi ng forgiveness.


5. Kung di mo mapatawad yung loko/loka, edi make some compromise. Tandaan lang na unique na tao yung kasama mo. At ikaw din ay unique. Di mo mahuhulma yung partner mo ayon sa kagustuhan mo and nor can she/he do the same to you. So accept your partners frailties and faults. That is if you can accept them.


6. Pag me away na nangyayari, magandang me sinasabihan ka. Di maganda yung wala kang sinasabihan. Pag wala kang sasabihan ng gulong nangyayari, it will rot and fester within you. Lalaki lang ang sama ng loob at walang magandang mangyayari. At malay mo, me magandang opinion na mabigay yung sinabihan mo.


7. Wag makipagsabayan sa galit ng partner mo. Parang sasabog na Mt. Pinatubo yun. Siguradong me masasaktan at baka me mamatay.


8. Give him/her space kung medyo matindi ang sagupaan. Kelangan ng cooldown para makapgusap kayo ng matino.


9. Kahit na unique ka, try to change. Di naman magagalit yung partner mo kung di maganda yung ginawa mo eh.


10. Pag talagang wala na, be ready to cut loose. Not all relationships are meant to be. Baka talagang di ready yung kasama mo or talagang di pepwede on some level. Pero di dapat maghaharbor ng bitterness (sana naman wag). Tandaan mo nalang yung mga good memories and try not to forget the lessons learned.


Ayos ba? Madamdamin no?? Kung sino man humirit sakin ng pagago after reading this will be
slaughtered, maimed, then killed. Kaya wag na humirit.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

3 Remember na me mga partners na kahit mukhang mature na ay hindi pala. Minsan ay mas mature ka pa kahit na mas bata ka pa. So konting timpi nalang kung nakasarado tenga nung kabilang side.

--> niyahahaha.. tama to.. =P sooobrang tama to.. =) kaya di porket mas matanda siya sayo eh mas marunong na siya sa buhay.. may mga bagay na hindi niya alam na mali pala.. may mga bagay na gusto mong gawin niya dahil yun ang tama pero ang kabaliktaran ang ginagawa.. wahehehe..

2:31 AM  

Post a Comment

<< Home