Tuesday, March 28, 2006

mumu in my kwarto

Dahil sa todo sa kakawork ng isang tuesday night, inumaga na ko sa opis...mga 2 na ko nakauwi. Pasok ako bahay...usual interrogation ni inang..."Kumain ka na ba??", "Anong sinakyan mo pauwi??" etc etc...SOP na yun...tiis nalang....hinintay ko txt ni honey...nakatulog...tapos....

Mga 3:30am ng umaga nagising ako...sinilip ko cell ko. Nagtext bak na si honey. "Ayos...nakauwi na si honey ko". Tapos me narinig akong lumalakad sa likod...parang nakatsinelas...naramdaman ko agad matanda na to...ang ikli ng hakbang eh...parang uugod ugod na...for some reason, nalungkot ako...parang namatayan ba...tapos naisip ko si honey at yung mga pagkukulang ko sa kanya (naks!) biruin mo ba naman na naluha ako...ako?!? e kamacho macho ko tapos luluha nalang ako ng ganun?!? something is fishy around here... :-/ tapos naramdaman ko me umiiyak sa bintana...alam ko by this time dapat humihiyaw na ko at tumatakbo...nagsisigaw na me umiiyak na matanda sa kwarto ko...pero la na ko magawa...nakiiyak na rin ako...potsa..by this time todo freaked out na ko...nung humupa na, baba ako...nagnetnet lang muna para kumalma...inubos yung dalawang litrong tubig sa ref sa kaba.

Naisip ko baka guniguni ko lang yun kaya ko nagawa yun..baka kapit bahay ko lang yun at me matanda lang na naglalakad lakad sa disoras ng gabi...Then i checked this idea out...which is kung saan talaga ako kinabahan talaga.

yung bakuran ng kapit bahay namin sarado...meaning walang pepwede maglakad lakad dun. Kung meron man di ko maririnig...so me two options kung saan pwede ko marinig yun...either sa bakuran namin (kung saan nakatapat window ng room ko) or sa kwarto ko mismo.

Bwiset...naging interesting bahay ko bigla...

Facts about our house:
1. Dati syang home for the aged. Siguradong me mga natigok na dito.
2. As far as i know, home for the homeless din sya. Me mga buntis daw silang dinala dito para manganak...sana naman walang namatay during childbirth.
3. Yung sala lang namin ang may krus...lahat ng kwarto walang krus or any saintly items watsoever...saya naman...
4. Alam ko di pa nablebless yung bahay kahit kelan pa.
5. Masikip ang garahe at di magkakasya yung Fortuner na balak ko next year...

Dagdag pa ko kung me mangyayari pa...kakabakaba

0 Comments:

Post a Comment

<< Home